"Online na pag aaral sa bagong normal na EDUKASYON "
Nung unang
araw ng online class sa aming paaralan o sa ating bansa na ipinatupad ng ating
presidente nahirapan kaming mga estudyante sapagkat hindi sapat ang aming mga
kagamitan sa online class na ito sa totoo lang bilang isang estudyante o mag
aaral napaka hirap saming sitwasyon dahil sa kakulngan ng kagamitan at mahinang
“Internet connection” .
Ngunit sa
kabila ng kinakaharap na problema ng ating bansa kasama na ang pagbabago sa
paaralan na noon ay face to face class
na ngayon ay nagging online class meron din kaming natutunan bilang estudyante
at mag aaral sa isang kilalang eskuwelahan na oo masayang mag aral na ang
kaharap ang isang gamit pang teknolihiya pero mas masarap pa din talaga yung
actual na nasisilayan o nakikita mo ang tinuturo ng iyong gurpo kumpara sa
laptop lamang.
Subalit kahit mahirap sa umpisa natutunan din naming mga estudyante na hindi hadlang sa aming mga pangarap ang ganitong problema oo nga at masarap sa bahay mag klase kasi di ka mapapagod at pag gising mo pwede ka ng umattend ng klase at natutunan ko din bilang estudyante napakahalaga ng oras . Naging mahirap man ang ating sitwasyon naniniwala ako ng kakayanin natin itong lahat .
Sa aking opinion tungkol sa ol class
maraming nag aadjust na estudyante at guro dahil nga sa pagkakaroon ng distance
learning dahil nga sa pag kakaroon ng ol class dahil sa covid 19 napilitan ang
mga istudyante at ang mga guro na lumapit sa bagong “distance learning”
na plataporma, may dalawang klasi tinatawag na distance learning ay ang
ol class at module ang pinag ka iba nito ay ang ol class ay maari mo makaharap
ang iyong guro sa device habang nag ol class at maaring bigyan ka din ng
mga requirements at modules naman ay hindi nag haharapan ng guro dito
pero nag bibagay ng mga requirements ang mga guro sa mga istudyante.
Pa
sa akin maganda ang pagkakaroon ng ol class dahil may oras mag aral sa loob ng
bahay pero maaring maging mahirap din ito sa iba lalo na sa istudyante at guro
sa mga kakulangan ng gamit para maka ol class at dahil sa ol class ay karamihan nasayahan sa simula pero sa huli
na puno ang mga estudyante ng Gawain, dahil hindi face to face ang mga klase
nag karoon nalang ng mas maraming Gawain o online modules ang mga estudyante.
Kaya
naman bigyan natin to ng action mag tulungan tayo gawin natin ang dapat gawin
sumunod lamang tayo sa patakaran ng ating bansa upang matapos na tong problema
na ito at bumalik na sa dating normal na buhay.
Educational Blog
Ang edukasyon ay napaka halaga sa bawat isa di kagaya nung unang panahon na bata pa lamang ay mga nag sisipag asawa na sa henerasyon ngayon napakahalaga ng edukasyon sapagkat hindi ka makakaahon sa hirap pag ikaw ay hindi tapos Kaya ikaw ay mag sumikap na makatapos ng pag aaral napakasarap sa pakiramdam na ikaw ay may diplomang hawak hawak at isa pa dapat bilang mag aaral o may tinapos na magandang kurso,Matutong bumalik sa pinanggalingan at dapat hindi mabago ang iyong pag uugali napakasarap sa pakiramdam ng wala kang inaapakang tao .Edukasyon ang susi ng tagumpay sa iyong magandang buhay di basehan ang pag kakameron ng mataas na grado o bilang ng medalyang natatanggap mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento